Wednesday, February 8, 2012

Bachelor of Laws Major in Impeachment

Gusto mo bang kumita ng malaki at makilala kahit pro-bono ang mga gagawin mo? Magaral ka ng Bachelor of Laws - Major in Impeachment. Di ka gagastos ng malaki, manuod ka lang ng TV – yon ang mga classrooms mo. Biruin mo, libre ang tuition basta may registration ka sa Meralco. May dahilan ka na angkinin ang TV nyo....'hoy alis dyan at may lecture ako about Bank Secrecy Law...!" o ha! makalaglag upuan yan brother!

Enjoy the classes at the comfort of your own home! Ang lufet di ba?! Daig ang mga power point presentation na kinopya lang sa internet. Di kalibre ang mga professors mo - may mga senador, mga congressman at mga di-kampanilyang mga abugado – again, pro-bono!

Para malaman mo kung ok ang pagrereview mo, makipagdebate ka sa mga tambay sa kanto, siguraduhin mo lang na ‘di nakainom o may utang ka na ‘di nabayaran sa kanila. Hindi mo na rin kailangan pang kumuha ng notes… pumunta ka lang sa website ng mga TV Stations at ginawa na nila iyon para sa iyo.


Ang sarap maging abugado… manalo – matalo may acceptance fee ka, tatawagin ka pang Panyero... ang yaman pakinggan - 'di ba Panyero?

Magenrol ka na! Bachelor of Laws – Major in Impeachment. May scholarship ang MalacaƱang - grab the opportunity.

No comments:

Post a Comment